bakit ganon?! napakahirap mabuhay pero kelangan pa din na magpatuloy ang takbo ng buhay. grabe, gusto ko na talaga sumuko minsan lalo na sa course kong nursing pero naiisip ko yung mga taong gustong maging successful ako sa future. hay. ngayon pa lang, simula ng thrid year, gusto ko na sumuko dahil sa napakadami ng kelangan gawin. andyan ang paggawa ng CNP, endless quiz kay dr. valino sa pedia, paggawa ng requirements para sa community immersion, at siyempre, makita ang best friend kong C.I. na nanigaw sa akin.
grabe na talaga. sa susunod hindi ko na pipiliin maging leader kahit anong pilit ang gawin nila sa kin. bakit ba may mga taong ayaw mag-take ng responsibility pero minsan ikaw pa yung sisisihin nila kapag may mali kang nagawa? e di sana sila na lang yung nag volunteer na maging leader sila. okay din naman maging leader kasi may priveleges kang natatanggap pero pag sobrang lagi na lang umaasa sayo yun mga kagrupo mo, abuso na yon. buti na lang hindi ganon yung mga kagrupo ko ngayon except na lang siguro sa isa. minsan pa naman, pag iritable ako, iritable talaga ko. nagiging masungit ako, naninigaw, nagagalit kasi nararamdam ko yung pressure. being a leader is not an easy job. may mga times na hindi mo alam pinag-uusapan ka na ng mga members mo tungkol sa mga hindi nila gusto sayo as their leader.
kanina, habang ginagawa ko yung leaflets namin, naiiyak na ko kasi hindi ko na alam yung gagawin ko. nagkaroon pa ng aksidente sa isa kong kagrupo kaya nag-alala talaga ako. hindi ko man gustuhin na bigyan sila ng madaming trabaho, kelangan pa din kasi kokonti lang kami tapos yung iba hindi pa cooperative. mabait naman ako kung tutuusin e. ako pa nga yung nahihiya mag ask ng favor sa mga kagrupo ko kasi baka isipin nila bakit hindi ko kayang gawin yung pinapagawa ko sa kanila. there's one thing i've learned from being a leader, hindi susunod sayo yung mga kagrupo mo kung hindi ka efficient at hindi ka gagawa ng appropriate actions kung hindi mo pa sila pagsasabihan. you need to give your members constant reminders para hindi sila mawala or maligaw ng landas. magkakaroon din ng conflicts among your group members kasi hindi naman lahat sa kanila pare-pareho ng opinion eh.
bakit ba hanggang ngayon ay gising pa ako? naghihintay na lang ako ng oras na inalarm ko sa cellphone ko. i still need to print the leaflets that i did kaso nga lang its a big disturbance to my mom and my sister kasi maingay yung printer namin. sana matapos na ang prelims para matapos na ang paghihirap ko as a leader. hindi ko naman sinasabi na hindi ako efficient na leader pero alam mo yun, there are still times that you just really wnat to give up kasi you have a lot of things in mind na hindi mo alam kung alin ang uunahin sa kanila.
anyways, hanggang dito na lang ako. sana maintindihan niyo yung post k. masyado akong nainspire mag blog siguro dahil na rin sa nararamdaman ko ngayon. animo la salle pa din kahit natalo sila sa ateneo. hehe..^^ goodmornight!!!