Thursday, September 4, 2008

exams, exams, exams

grabe! ayoko na mag-isip at mag-aral pa para sa exams. hayaan na ang stock knowledge kung meron pa. ilang araw na akong nagsasagot ng exams. last day na bukas at yun ay english. kamusta naman diba? sana pasado lahat ng exmas ko para masaya. buong week ata ang schedule ng exam namin eh. syempre sa mga major subjects nag-aral ako (aral ba o basa lang?!). nakakatamad na kasi mag-aral eh. buti na lang at nauso ang rationalization. kung wala yun, wala na siguro ako masasagot sa mga exams namin. at ganon na nga ang nangyari sa akin nung exams. buti na lang tanda ko pala lahat ng rationalization.
medyo madali naman yung exam dun sa iba naming major subjects pero yung iba nose bleed pa din. kailan kaya matatapos ang paghihirap ko? makapanood na nga lang ng kung anu-ano. ano naman kaya ang papanoorin ko? hindi ko rin alam. soundtrip na lang muna ako ng eraserheads anthology. ilang araw na akong puro eraserheads lang ang pinakikinggan pero hindi pa rin ako nagsasawa. ganon talaga ang epekto kapag maganda yung naririnig mo. naalala ko tuloy yung grade school days ko nung sila yung sikat na banda nung mga 80s and 90s. astig kasi sila eh.
anyways, last na exam na bukas kaya pagtiisan na lang. sana pumasa ako ngayong midterms. ayoko nga makatanggap ng letter. siningit ko lang 'tong blog na 'to kaya kahit papano masaya na ko. yun lang. good night! :)

No comments: