Tuesday, September 16, 2008

walang kwentang post

after the passing of the community case study requirements, hindi muna ako masyado nakapag internet dahil ang drama ko ay busy busyhan. ayon, busy sa school kaya hindi makalabas ng bahay. nung sunday, pumunta kami sa robinson's galleria para maglibot at bumili ng mga unexpected na bagay. buti na lang nakauwi kami ng maaga at napanood ko pa yung final four games sa uaap.
i'm so happy na la salle at ateneo ang maglalaban sa finals. haha :) ano kaya ang mangyayari? good na lang sa both teams. then, this week, we had our hospital duty at perpetual succor, espana, manila. 6am-2pm yung shift namin. ang saya ko dahil nakita for 2 days yung taong inaasam-asam kong makita. alam na ng mga kagrupo ko sa RLE kung sino yun. haha :) napakasaya ko talaga at hindi naman obvious ang kasiyahan ko nung mga panahon na yun.
nakakapagod din pala ang nakaupo lang. pano naman kasi wala masyadong patient kaya nagkwentuhan lang kami. kung meron mang kami ginawa, yun ay ang walang kamatayang vital signs, interview, kumain at oral cnp. masaya naman yung duty kasi ang bait ng C.I. namin. on the second day, nag pictorial pa kami. haha :) grabe, napakainit na ng panahon. lalo pa't nakapink gown kami nung nag duty.
ayon, gawaan na naman ng cnp. pahirapan na naman sa pag-iisip at pasakitan ng kamay sa pagsusulat. ay, oo nga pala. nahihilig na ulit ako ngayon manood ng mga shows sa abs-cbn lalo na yung sa primetime bida. simula i love betty la fea hanggang 3 dads with 1 mommy. ang gwapo ni john lloyd sa i love betty la fea. haha :) mas matimbang na siya ngayon kesa kay dennis trillo. dun naman sa iisa pa lamang, wala lang, naiintriga ako. tapos yung kahit isang saglit, ewan ko, na amaze lang ako. syempre, yung last, yung koreanovela. ang gwapo kasi nung mga lalaki eh. haha :) whatever!
anyways, hindi ko na kaya dahil inaantok na ulit ako kahit napakahaba ng tulog ko kanina. pag uwi ko galing duty, nagpalit lang ako ng damit, tulog na ko. ang sarap matulog lalo na't 2 hours lang yung tulog mo the other day. sige, bye :)

No comments: